Tagpuan

by: Brian Villavincencio

Minsan.
Nagkita tayo sa dating tagpuan.
Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin
Ramdam ng damo sa ating likuran
Ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin
Ang pulso ng mga damdamin.

Mga kwentong gustong kumawala sa pusong
matagal na nilang gustong lisanin.

Nung gabing yon, walang kibo ang mga kuliglig
Tumigil sa pagkumpas ang mga sanga
Pinatahimik ko
ang buong kalawakan para makining sayo.

At noon, nakilala kita
Kinuwento mo sakin ang mga sikreto ng iyong nakaraan.

Sinagot ang mga paano
At kailan, ang mga sino at saan
Ang pinakamasaya at pinakamalulungkot mong karanasan.

Di ko makakalimutan ang gabing yon
Ng ipatong mo ang iyong daliri
sa mga labi mong nagkukulay ube na sa lamig
At sa sandaling bumukas ang iyong bibig,
nagmistulang entablado ang hinihigaang sahig.

Nagsimula kang umawit,
Pinakinggan ko ang tugtog, tugtog, tugtog.
Ang tibok ng puso mo sa ilalim ng tinig mo na binabaybay ang mga salita
at tono ng kantang pamilyar na sinulat nating dalawa.

Pinakinggan ko ang bawat salita,
Ang bawat paghinga, ang bawat pagtaas
at pagbaba.

Pinakinggan kita
Sa bawat pagbulong at pagsigaw.
Sinabayan ka ng ingay ng mundo
Pero pinakinggan ko’y ikaw.

Dahil alam ko, nung gabing yon,
Na ang kailangan mo ay hindi mga pangako,
hindi mga regalo, hindi mo kailangan ng mga puring mapaglalo
hindi mo kailangan ng mga rosas na galing sa bibig
O mga salitang nakakakilig.

Alam ko ang kailangan mo ay mga tengang makikinig
Kaya’t nakinig ako.

Habang kinukwento mo ang tungkol sa paborito mong laruan
nung bata ka pa
Nung isang beses na naiyak ka sa singing contest
dahil sa kaba

Yung tungkol sa unang lalakeng nagpatibok ng puso mo
Nakinig ako sayo
Nakinig ako sayo
Dahil mahal kita.

Kung hindi mo iyon narinig nung unang beses na nagpakilala ako sayo
Inuulit ko sayo ngayon
Mahal kita.

At hindi ito yung mahal kita na naririnig mo sa mundo.
Ito yung mahal kita na pinakatotoo.
Ang mahal kita na makikinig sayo.

Kaya ikwento mo sakin ngayon kung pano mo natuklasan ang pag-ibig,
At iku-kwento ko sayo kung pano ko to nilikha.

Ikwento mo sakin kung paano ka nila sinaktan
At iku-kwento ko sayo kung pano nila ako pinahiya,
kung paano nila ako binugbog, kung paano nila ako pinako
At paano ako pumayag alang alang sa pangako.

Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang naligaw
At ipapaalala ko sayo kung ilang beses kitang hinanap
Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang nabigo
At ipapaalala ko sayo kung ilang beses kitang niyakap.

Ipakita mo na handa ka ng magtiwala
na handa ka ng magmahal
At ipapakita ko sayo kung pano magdasal

Huwag kang matakot magkwento
Makikinig ako sayo

Naiintindihan kita dahil alam ko rin ang pakiramdam ng hindi pinakinggan.

Minsan.
Nakita kita sa dating tagpuan.
Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin
Ramdam ng damo sa iyong likuran
Ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin
Ang pulso ng mga damdamin

Mga kwentong gustong kumawala sa pusong
matagal na nilang gustong lisanin

Pero nung gabing yon, nung gabing yon
Galit na galit ang mga kuliglig
Walang tigil sa pagkumpas ang mga sanga
Nag-iingay ang buong kalawakan para sayo.

At nuon niyakap kita,
Pero hindi na ako naramdaman
ng manhid mong katawan.

Sinabi ko sayong mahal kita,
Pero hindi mo ako pinakinggan.

Ang pinakinggan mo ay ang mundo
Na nagsasabing handa ka ng magmahal
Kung handa ka ng masaktan.

Pero lagi mo sanang tatandaan
hindi lahat ng sugatan ay tama ang pinaglaban.

Ngayon may nangyayaring rebolusyon sa puso mo
Ikwento mo sakin, at makikinig ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: